din=/=rin, dito =/= rito, doon =/= roon, diyan =/= riyan, daw =/= raw, dine =/= rine

joserizal:

Kapag patinig (vowel sounds: A, E, I, O, U) at mala-patinig (W,Y) ang huling letra ng isang salita, gagamitin ay rin, rito, roon, riyan, raw, o rine.

Kapag katinig (consonant) naman ay din, dito, doon, diyan, daw, o dine.

Halimbawa:

  • Mali: At home ako dito! (Mahal kita Jollibee pero mali kang bubuyog ka.)
  • Tama: At home ako rito! Dalin mo nga iyang Sundae rine nang makatikim naman ako niyan. Sa probinsya niyo raw walang Jollibee? Kawawa ka naman.
  • Mali: Ang perlas na hikaw daw ay malas. (Ang Hikaw ay parang “hikao” kaya mala-patinig ang drama niya)
  • Tama: Ang perlas na hikaw raw ay malas ayon sa mga matatanda  riyan. Diosmio, pati nga nunal sa pisngi raw malas din. Eh ano pa bang magagawa mo kung pinanganak kang may nunal diyan. (Saan?) Diyan. Saan pa ba iniisip mo? Hahahahaha. Ikaw talaga may pagka-green minded ka rin noh? (Hehehe, kasi naman, halika rito may ipapakita ako.)
  • Mali: Girl, Nameet ko doon sa kanto si Inaki Benevidez!
  • Tama: Girl, Nameet ko roon sa kanto si Inaki Benevidez. (Shut up!) Seryoso! At kilala ka raw niya. (Seriously? Like, Oh My God?) Oo, at niyaya niya tayo roon sa party niya sa Forbes Park Maka-tey. (Girl, nahiya naman ako riyan. Hanggang Porbes Espanya lang kaya ko). Girl, ito na ang chance natin para makihalubilo sa mga alto, girl! Balita ko, invited daw ang mga Ayalas and de Zobels. (Ay gusto ko niyan! Since nandito na rin naman tayo, why not?)

Mga bata, iyan ang lesson niyo for the day. Sana hindi ko ginulo ang inyong mga utak dahil sa totoo lang, nakakalito.

Dismiss.

ACTUALLY.

ang kumbensyong ito ay talagang para lang sa mundo ng pasulat, at hindi sa mundo ng pasabi.

bago dumating ang mga konyong kastila sa ating magandang bayan, ang wikang tagalog, kung saan nanggaling ang ating pambansang wikang pilipino, ay hindi nagbigay ng kaibahan sa mga tunog na ito. hanggang sa pagdating ng mga kastila, ibang mga tunog ay puwedeng isalisi, kaya’t nahihirapan ang ibang mga pilipino sa pagsabi ng ibang mga letra, katulad ng b at v, p at f, o at u, i at e.

katulad ng wikang nipon o hapones, kung saang walang kaibahan ang mga tunog na L at R, ang mga tunog na ito ay katumpas, sa isang lingong akademiko. alalahanin natin na bago nagkaroon ng mga koloniya sa pilipinas, mayroon lang tatlong patinig: a, i, at u. pagkatanda ng ating wika, tumanda rin ang ating kultura.